Nuclear disaster ibinabala ng Santo Papa sa Ukraine war

Nuclear disaster ibinabala ng Santo Papa sa Ukraine war

August 25, 2022 @ 11:29 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nanawagan si Pope Francis noong Miyerkules ng “konkretong hakbang” upang wakasan ang digmaan sa Ukraine at maiwasan ang panganib ng isang nuclear disaster sa Zaporizhzhia power plant.

Ang IAEA, ang UN nuclear watchdog, ay nagsabi noong Martes na bibisitahin nito ang planta na inookupahan ng Russia sa Ukraine sa loob ng ilang araw kung magtagumpay ang mga pag-uusap upang makakuha ng access.

Ang Russia at Ukraine ay paulit-ulit na inakusahan ang isa’t isa ng pagpapaputok sa pasilidad, ang pinakamalaki sa Europa at kung saan kinuha ng mga pwersang pro-Moscow pagkatapos ng pagsalakay noong Pebrero 24. Nanawagan ang United Nations na i-demilitarized ang lugar.

“I hope that concrete steps will be taken to bring an end to the war and to avert the risk of a nuclear disaster at Zaporizhzhia,” sabi ng Santo Papa sa kanyang lingguhang general audience.

“Innocents pay for war,” sabi ng Papa.

Sinisi ng Moscow ang pagpatay sa mga ahente ng Ukrainian, isang akusa na itinanggi ng Kyiv.

Tinawag ng Papa ang mga mangangalakal ng armas na kumikita sa digmaan na “mga delingkuwente na pumapatay ng sangkatauhan.”

Nauna nang sinabi ni Pope Francis  na nais nitong bumisita sa Kyiv pero nais din niyang nagtungo sa Moscow upang itaguyod ang kapayapaan.

Dadalo si Pope Francis sa congress of religious leaders sa Kazakh capital Nur-Sultan sa Sept. 13-15, kung saan sinabi niyang umaasa siyang makipagkita sa Russian Orthodox Patriarch na si Kirill, na sumusuporta sa digmaan sa Ukraine.

Ang Ukraine ay naglo-lobby kay Pope Francis na pumunta muna sa Kyiv, na nagsasabing ang pagkikita noon kay Kirill ay maaaring magpadala ng maling mensahe sa mga taga-Ukraine. Jocelyn Tabangcura-Domenden