Nuclear energy magpapababa sa presyo ng kuryente – solon

Nuclear energy magpapababa sa presyo ng kuryente – solon

September 29, 2022 @ 4:26 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isinusulong ng isang mambabatas ang pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant na paraan umano upang mapababa ang presyo ng kuryente sa bansa.

Ayon kay Pangasinan 2nd District Rep. Mark Cojuangco, maaaaring buhayin na at gawing operational ang nabanggit na nuclear facility bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“It’s more possible than it’s ever been in decades… I’m convinced that nuclear is the only way to reduce the prices of electricity and eliminate the dependence of imported coal or gas,” ani Cojuangco sa panayam ng ANC.

Dagdag pa ng mambabatas, kayang pababain ng hanggang P.055 kilowatt-hour ang presyo ng kuryente gamit ang nuclear fuel mula sa P10 kWh kung coal ang gagamitin.

“From that price difference, you can see that nuclear is compelling for the Philippine context and situation,” aniya.

“It’s a no brainer at this point in time. With this crisis, the ROI of nuclear plants would be very short. It would be the cheapest thing to do,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ng research consultancy na Radian Energy Group na nasa maayos na kondisyon pa naman ang 620-megawatt plant sa Bataan at ang istruktura nito ay kahalintulad ng ginagamit sa Brazil, Korea at Slovenia. RNT/JGC