Nuclear energy sa Pinas, takaw-terorista – Risa

Nuclear energy sa Pinas, takaw-terorista – Risa

November 30, 2022 @ 6:17 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Iginiit ng isang senador na ang paggamit ng nuclear energy sa Pilipinas ay maaaring maglagay sa bansa sa panganib mula sa mga teroristang grupo.

“Radioactive waste will be a target, a magnet for the so-called nuclear terroristic groups that are scouting around the world for these wastes, or even just the raw nuclear energy to use in the production of nuclear weapons,” ani Senador Risa Hontiveros sa interbyu sa CNN Philippines.

Sa naunang pahayag, pinanindigan ni Hontiveros na ang mga isyung pangkaligtasan sa paligid ng nuclear energy, kabilang ang mothballed Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) ay nananatiling hindi nasasagot.

“Radioactive waste will outlive not just all of us alive today but also the succeeding generations. It can prove fatal and cost people’s lives for thousands of years. Dahil hindi pa tayo makakampante sa ligtas na paggamit ng nuclear energy, dapat buksan na rin ang diskusyon kung may halaga pa ba sa bansa ang BNPP,” aniya pa.

Bukod sa posibleng panganib sa seguridad at kalusugan, mayroon ding isyu sa produksyon dahil ang mga materyales na kailangan para makagawa ng nuclear energy ay kailangang i-import hindi tulad ng mga anyo ng renewable energy na available na sa lokal, ipinunto ng senador.

Sa halip na nuclear, ang bansa ay maaaring gumamit ng renewable energy sources tulad ng solar, wind, hydropower, tidal, at biomass, na hindi bubuo ng radioactive waste, giit pa ng senadora.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makikipagtulungan ang Pilipinas sa France para sa nuclear energy. RNT