NUCLEAR MEDICINE FACILITY, MAGPAPABABA SA GASTUSIN SA CANCER

NUCLEAR MEDICINE FACILITY, MAGPAPABABA SA GASTUSIN SA CANCER

February 2, 2022 @ 7:54 PM 8 months ago


MALAKI ang paniniwala ni Department of Science and Technology Secretary Fortunato de la Peña na malaki ang mababawas sa gastusin ng mga pasyente o pamilyang may mayroong karamdamang kanser kapag natapos na ang itinatayong Nuclear Medicine Research and Innovation Center sa loob ng PNRI compound o ang Philippine Nuclear Research Institute sa Commonwealth Avenue, Diliman, Quezon city.

Ayon sa kalihim, ang cancer ay isa sa mga nangungunang non-communicable disease killer ng mga Pilipino. Marami ang hindi na nagpapatuloy pa sa kanilang medikasyon o rehabilitasyon dahil sa kamahalan ng mga gamot at laboratory test na kinakailangan.

Lalagyan ng cyclotron at PET scanner o Positron Emision Tomography ang itatayong pasilidad.

Mahalaga ang Cyclotrons dahil naglalabas ito ng radiopharmaceuticals na kinakailangan sa PET-CT Scan.

Sa kasalukuyan, tatlo lang ang operational Cyclotron sa bansa na lahat ay nasa Metro Manila. Nagtatayo pa lamang sa Visayas at Mindanao.

Habang ang PET ay mahalaga sa pag-alam sa cancer staging and re-staging partikular sa lung, gastrointestinal, breast, malignant melanoma, head and neck, at iba pang kanser. Ginagamit din ito sa neurology at sa immunology.

Ang gastusin sa PET ay umaabot sa pitumpong libong piso (P70,000) hanggang isang daang libong piso (P100,000).

Mas mababang presyo ang ibibigay ng pasilidad para makaya ng publiko na hanggang fifty percent (50%) kumpara sa mga pribadong pasilidad.

Dagdag pa ni Secretary De la Peña, magiging training hub din ang pasilidad ng PET radiopharmaceutical production and application na bukas sa ASEAN countries.

May epektibong paraan upang labanan ang cancer ay gutumin ang cancer cells sa pamamagitan ng di-pagkain ng mga pagkaing lalong magpapadami sa kanila.

  • Asukal (sugar) cancer feeder – ang pagbabawas ng matamis sa pagkain ay inaalisan ang cancer cells ng isa sa pangunahin nilang kailangan.

  • Bawasan din ang pag-inom ng gatas upang magutom ang cancer cells. Palitan na lamang ito ng unsweetened soy milk, upang sila (cancer cells) ay magutom at manghina.

  • Ang cancer cells ay naninirahan sa acid environment, ang palaging pagkain ng karne ay acidic diet. Palitan na lamang ng isda ang karne, gayundin kaunting karne lamang ang ikonsumo.

  • Kumain ng fresh na gulay at uminom ng fresh juice sapagkat nagbibigay ito ng live enzymes, binubuhay at pinapalakas ang mga malulusog na cells.

Kung sila ay makararamdam ng ‘di magandang epekto sa kanilang kalusugan. Kailangang magpatingin agad sa doctor at huwag basta-basta sundin ang mga payo ng ibang tao.