Nuclear plant sa Minnesota, nag-leak – operator

Nuclear plant sa Minnesota, nag-leak – operator

March 17, 2023 @ 3:10 PM 1 week ago


UNITED STATES – Sinabi ng operator ng nuclear facility sa Minnesota nitong Huwebes, Marso 16, na nagkaroon ng leak sa planta noong Nobyembre ng tubig na nagtataglay ng radioactive tritium.

Sa kabila nito, nilinaw ng pamunuan na limitado lamang sa loob ng planta ang nangyaring leak.

Hindi naman sinabi ng Xcel Energy, operator ng nuclear plant malapit sa Minneapolis sa Midwest state ng Minnesota, kung bakit pinatagal pa ng tatlong buwan bago isapubliko ang nangyaring leak.

Ayon sa kompanya, ipinaalam naman nila ito sa mga opisyal ng estado at sa federal Nuclear Regulatory Commission (NRC) noong Nobyembre 22.

“While this leak does not pose a risk to the public or the environment, we take this very seriously and are working to safely address the situation,” pahayag ni Chris Clark, utility president.

Sinabi ng Minnesota Pollution Control Agency na nakapagtala ang kompanya ng leak ng nasa 400,000 galon ng tubig na naglalaman ng tritium sa lugar, ngunit wala naman dito ang umabot sa Mississippi River o sa iba pang drinking water sources.

“The company recovered about 25 percent of the tritium released and will continue recovery over the course of the year.”

Ang leak ay nagmula sa isang “water pipe between two buildings” sa Monticello nuclear plant.

Ang Tritium ay isang radioactive isotope ng hydrogen na byproduct ng produksyon ng kuryente sa nuclear plant.

Siniguro naman ng kompanya na patuloy silang nagsasagawa ng pagsusuri sa mga groundwater at balon sa paligid ng planta. RNT/JGC