Nuclear power, determinadong dalhin sa Pinas ni PBBM

Nuclear power, determinadong dalhin sa Pinas ni PBBM

September 21, 2022 @ 11:56 AM 4 days ago


MANILA, Philippines – Determinado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dalhin sa Pilipinas ang nuclear power.

Sa katunayan, nakipagpulong ang Pangulo sa mga top executives ng US-based NuScale Power.

Si Pangulong Marcos ay kasalukuyang nasa Estados Unidos para sa kanyang six-day official visit kung saan nagsagawa siya ng serye ng dayalogo sa tatlong American-based companies sa New York, kabilang na ang NuScale Power, isang American energy firm na naga-alok ng advanced nuclear technology.

Sa ulat, itinatag ang NuScale taong 2007, layon nito na magbigay ng “scalable advanced nuclear technology” para sa produksyon ng malinis na kuryente at tubig.

Nauna nang sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na naghahanap ang bansa ng posibleng modular nuclear power plants, sinasabing “future of clean energy.”

Sinabi ni Romualdez na nag-alok ang Estados Unidos ng power plants sabay sabing “it is being developed “rapidly.”

“So, we are seriously going to look into it. I think President Marcos is quite excited about it. As a matter of fact, I think NuScale, which is a company developing this technology, is now having a partnership with the local energy company here in the Philippines,” ayon kay Romualdez.

Matatandaang, nagpahayag si Pangulong Marcos ng kanyang hangarin na i-adopt ang nuclear energy bilang bahagi ng mapagkukuhanan ng suplay ng enerhiya sa bansa.

“I believe that it is time also to reexamine our strategy towards building nuclear power plants in the Philippines. We will comply, of course, with the International Atomic Energy Agency regulations for nuclear power plants as they have been strengthened after Fukushima,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga mambabatas nang ihayag nito ang kanyang unang State Of the Nation Addres (SONA) noong Hulyo.

Wika pa niya na “while innovations would allow power plants to utilize nuclear energy on a smaller scale, funding could be an issue.”

“In the area of nuclear power, there have been new technologies developed that [allow] smaller scale, modular, nuclear plants and other derivations thereof. Once again, PPPs will play a part in support as funding in this period is limited,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

Samantala, nagkaroon din ng dayalogo si Pangulong Marcos sa California-based company WasteFuel na nagpo-produce ng renewable fuels sa isang subok nang uri ng teknolohiya.

“In a bid to address climate emergency and revolutionize mobility, WasteFuel converts municipal and agricultural waste into low-carbon fuels, renewable natural gas and green methanol,” ayon sa ulat.

“WasteFuel’s first project in development for aviation fuel is in the Philippines, partnering with infrastructure developer Prime Infrastructure and NetJets,” ayon pa rin sa ulat.

Samantala, nakipagpulong din si Pangulong Marcos sa mga matataas na opisyal ng Boeing. Kris Jose