Nueva Ecija, Aurora, wala pa ring kuryente sa bagyo

Nueva Ecija, Aurora, wala pa ring kuryente sa bagyo

September 26, 2022 @ 10:13 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hanggang ngayon ay wala pa ring suplay ng kuryente ang mga lalawigan ng Nueva Ecija at Aurora  sa gitna ng pananalasa ng Super Typhoon Karding.

“As of 7 o’clock this morning, the main National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) lines in the areas affected show that the entire province of Nueva Ecija and Aurora are without power because the main highways of power were down,” ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, araw ng Lunes sa naging pagu-ulat nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang opisyal ng pamahalaan sa  idinaos na situation briefing, Lunes ng umaga, Setyembre 26.

Ang mga  lalawigan naman na  “partly affected” pagdating sa power supply  ay  ang Tarlac, Zambales, Pampanga, at Quezon.

“There is a list of specific areas or cities and municipalities that are affected by these lines that are down,” ayon kay Lotilla.

Sa ulat, lifted na ang typhoon warning signals sa alinmang bahagi ng Bicol region matapos ang pagtama ng Bagyong Karding sa may bahagi ng Quezon at Aurora, Linggo ng gabi, Setyembre 25.

Sa huling weather bulletin ng Pagasa alas 5:00 ngayong umaga, namataan ang bagyo sa karagatang bahagi ng Santa Cruz, Zambales (15.7°N, 119.5°E).

Mas humina pa ito sa 140 km/h at pagbugsong 170 km/h. Kumikilos sa direksyong pa-Kanluran Hilagang Kanluran at mas bumilis sa 30 km/h.

Una itong naglandfall alas-5:30 ng hapon kahapon sa Burdeos, Quezon at alas-8:20 kagabi sa Dingalan, Aurora.

Samantala, inaprubahan naman ni Pangulong Marcos ang rekumendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na suspendihin ang klase sa mga pampublikong paaralan at government work sa  National Capital Region, Regions I, II, III, IV-A (Calabarzon), IV-B (Mimaropa), the Cordillera Administrative Region, at Region V dahil kay Karding. Kris Jose