Nueva Ecija isinailalim sa state of calamity

Nueva Ecija isinailalim sa state of calamity

September 26, 2022 @ 7:32 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Idineklara na sa ilalim ng state of calamity ang probinsya ng Nueva Ecija.

Ito ay dahil sa matinding epekto ng bagyong Karding sa naturang probinsya.

Sa ilalim ng Resolution No. 82-S-2022, inirekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa Sangguniang Panlalawigan na isailalim sa state of calamity dahil sa malawakang pinsala sa iba’t ibang bayan nito.

Maliban dito, nakaranas rin ng matinding baha ang Nueva Ecija at naputol rin ang suplay ng kuryente.

“In consideration of the huge damage and destruction sustained by the entire province, the PDRRMC, headed by Governor Aurelio Umali, recommended the declaration of a state of calamity in the whole province of Nueva Ecija in order that the Calamity Fund of the provincial government and the respective local government units in the province to be utilized to expedite the help and assistance that will be provided to their constituents,” ayon sa resolusyon.

“The Sangguniang Panlalawigan, after evaluating the report and recommendation given by the PDRRMC, finds the declaration of the state of calamity necessary and with extreme urgency,” dagdag pa.

Siniguro naman ng pamahalaan lalawigan na tututukan nila ang mga residenteng apektado ng bagyo maging ang nasa sektor ng agrikultura.

“Prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga nasalanta sa sektor ng agrikultura, mga nawasak na tahanan, at ang agarang pagbabalik ng supply ng kuryente,” ani Governor Aurelio Umali. RNT/JGC