Nueva Ecija kampeon sa MPBL

Nueva Ecija kampeon sa MPBL

December 13, 2022 @ 11:43 AM 2 months ago


MANILA, Philippines  – Naiuwi ng Nueva Ecija ang kampeonato ng Maharlika Pilipinas Basketball League matapos talunin ang Zamboanga, 69-56, sa Game 4 ng national finals noong Lunes ng gabi sa Vitaliano Agan Coliseum sa Zamboanga City.

Lumayo ang Nueva Ecija sa second quarter, tinambakan ang Zamboanga, 25-9, para buksan ang 40-24 halftime lead bago pigilan ang home team sa second half.

Nagtapos si Byron Villarias ng Finals MVP-worthy performance sa buong serye na may 14 puntos, 10 rebounds at dalawang steals para pangunahan ang Nueva Ecija sa clincher.

May record si Villarias na average na 14.0 points at 5.0 rebounds sa isang laro habang nag-shoot ng 36 percent mula sa three-point range para maging main man ng Nueva Ecija sa National Finals, sapat na para makuha niya ang Finals MVP award.

Nagdagdag si Michael Juico ng 11 puntos, apat na rebound at isang assist para sa Nueva Ecija, na nanalo sa best-of-five series, 3-1, at tinapos ang season 30-2.

Tumapos si Jaycee Marcelino, ang regular season MVP, na may 17 puntos, limang rebounds, dalawang assists at tatlong steals para pamunuan ang Zamboanga. JC