Nueva Ecija Press Club, Inc. nagkasa ng gift giving, feeding program sa SPED students

Nueva Ecija Press Club, Inc. nagkasa ng gift giving, feeding program sa SPED students

January 25, 2023 @ 7:56 PM 5 days ago


MANILA, Philippines – Nagsagawa ng gift giving at feeding program ang pamunuan ng Nueva Ecija Press Club, Inc. (NEPCI) na pinamunuan ni President Gina Magsanoc, sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija nitong Miyerkules, Enero 25.

Ang naturang aktibidad ay ang kauna-unahang programa ng NEPCI ngayong taong 2023.

Tatlumpung (30) mga SPED Students mula sa Bantug Elementary School, Talavera, Nueva Ecija ang naging beneficiary ng naturang grupo.

Ganap na ika-9 ng umaga nang tumungo ang grupo ng NEPCI sa nasabing paaralan at dakong alas-10 ng umaga nang umpisahan ang pagpapangiti sa mga munting anghel ng nabatid na eskwelahan.

Ibinahagi nang nabanggit na grupo ang bear of joy na kaloob ng SM City sa pakikipagtulungan ni Miss Sheen Crisologo.

Habang, ang mga burger at fries naman na gustong-gusto ng mga bata ay ang munting handog ni Gov. Aurelio “Oyie” M. Umali para sa kanyang kaarawan.

Ayon kay NEPCI President, Gina Magsanoc, isa umano sa mga adbokasiya ng kanilang samahan ay hindi lamang makapaghatid ng mga balita bagkus ay makapaglingkod sa mga kabataan.

Kaya, bawat buwan umano ay nagsasagawa sila ng mga gift giving at feeding activity sa ibat-ibang panig ng Nueva Ecija. Elsa Navallo