Nuggets nakaisa vs Warriors; nakaiwas na mawalis sa playoff series

Nuggets nakaisa vs Warriors; nakaiwas na mawalis sa playoff series

April 25, 2022 @ 1:08 PM 2 months ago


WASHINGTON — Umiskor si Nikola Jokic ng 37 puntos upang maiwasan ng Denver Nuggets na ma-sweep out sa NBA playoffs matapos talunin ang Golden State Warriors, 126-121.

Ang 27-anyos na Serbian big man, ang NBA Most Valuable Player noong nakaraang season, ay naghatid din ng walong rebounds at anim na assists habang ang Nuggets ay humila sa loob ng 3-1 sa kanilang best-of-seven first round series para puwersahin ang ikalimang laro sa Miyerkules sa San Francisco.

“We put up the fight,” sabi ni Jokic. “Ayaw naming ma-swept. Mas may pride kami sa sarili namin.”

Matapos maipako ni Stephen Curry ang isang long jumper para bigyan ang Golden State ng 121-119 abante may 1:21 pa lang, gumawa ng layup si Jokic, isinalpak ni Monte Morris ang isang go-ahead jumper sa nalalabing 33 segundo at pagkatapos ng steal ni Austin Rivers.

Kumana si Jokic ng isang isang pasa kay Will Barton para sa deciding corner 3-pointer may 8.3 segundo ang natitira.

“Sinubukan ko lang umatake at nakita ko lang yung pass sa kanto,” ani Jokic.

Walang koponan sa kasaysayan ng NBA ang nakalampas sa 3-0 deficit para manalo sa isang playoff series, ngunit sinabi ni Jokic na may espiritu ang Nuggets na gumawa ng kasaysayan.

“Yun ang meron tayo, laban lang,” wika nito. “We’ve really got our second wind so why not?”

Si Morris ay may 24 puntos at si Aaron Gordon ay nagdagdag ng 21 para sa Denver.

Si Curry ay may 33 off the bench para pamunuan ang Golden State habang si Thompson ay may 32 sa kanyang unang 30-point playoff game mula noong 2019 NBA Finals.

Isang Curry layup, Andrew Wiggins dunk at Thompson jumper ang humila sa Warriors sa loob ng 115-112 sa natitirang 3:32 minuto. Sumagot si Jokic sa pamamagitan ng isang baseline jumper ngunit gumawa si Curry ng dalawang free throws at si Wiggins ay nag-dunk habang  may natitira pang 2:28 sa laro upang hilahin ang Golden State sa loob ng 117-116.

Nagsalpak si Gordon ng dalawang free throw para palakasin ang kalamangan ng Denver ngunit si Curry ay naghulog ng driving layup at nagdagdag ng isang free throw para iangat ang antas ng Warriors sa 119-119 may 1:47 ang nalalabi, na nagtakda ng kapanapanabik na pagtatapos.JC