NUJP sa pamahalaan: Karahasan sa mamamahayag, puksain!

NUJP sa pamahalaan: Karahasan sa mamamahayag, puksain!

November 3, 2022 @ 6:41 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa pamahalaan nitong Huwebes, Nobyembre 3 na mas paigtingin pa ang kampanya nito upang sugpuin ang karahasan laban sa mga mamamahayag.

Ang pahayag ng NUJP ay kasunod ng ulat na ang bansa ay nasa ikapito sa worst country pagdating sa karahasan sa mga mamamahayag, na may 14 na hindi pa nalulutas na pamamaslang mula Setyembre 2012 hanggang Agosto 31, 2022.

“Despite potential differences with how government agencies like the Philippine National Police classify cases, the lack of convictions adds to making journalism a dangerous profession in the Philippines,” ayon sa pahayag.

“While we welcome initiatives by the government to engage with journalists and to look into their safety and security, NUJP holds that the resolution of cases of attacks against our colleagues, as well as the assurance that threats against us will be taken seriously are among the best ways to ensure that we can report without fear of reprisal,” dagdag pa nito.

Umaasa naman ang NUJP na ang CPJ Global Impunity Index ay ituturing ng pamahalaan na dahilan upang mas pag-igihan pa nito ang paglaban kontra sa mga karahasan.

Sa pinakahuling CPJ index, lumabas na nasa 80% ng 263 insidente ng pagpaslang ay hindi pa napapanagot ang maysala. RNT/JGC