Number 10 most wanted na bebot timbog

Number 10 most wanted na bebot timbog

July 3, 2018 @ 4:00 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Isa sa tinaguriang akyat-bahay gang na babae at sinasabing number 10 most wanted ang timbog matapos mamataan sa Sampaloc, Manila iniulat ng pulisya.

Kasalukuyang nasa selda ng Manila Police District-Station 4 ang suspek na nakilalang si Rubylyn Dangque Y Gonzaga, 38-anyos; may-asawa ng Block 5 Row 6 Baseco Compound Port Area.

Base sa ulat ng MPD-Intelligence Branch ng Sampaloc Police Station 4 , bandang alas 4:30 ng hapon, nang maispatan ang suspek sa lugar nito.

Si Dangque umano’y sangkot sa isang nakawan sa bahay na nakakasakop sa PS-4, at isang impormante ang nagturo sa pinaglulunggaan nito, kaya isinagawa ang follow-up operation.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong robbery in an inhabited. (Rene Crisostomo)