Number coding balik na bukas, Marso 7 – MMDA

Number coding balik na bukas, Marso 7 – MMDA

March 6, 2023 @ 5:46 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ibabalik na bukas, araw ng Martes, Marso 7 ang implementasyon ng expanded number coding scheme sa National Capital Region (NCR) sa kabila ng nagpapatuloy na tigil-pasada ng mga jeepney at UV express.

Ito ang inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting chairman Romando Artes nitong Lunes, Marso 6 sa isang press briefing, kung saan sinabi niya na hindi na palalawigin pa ng ahensya ang suspensyon ng number coding dahil sa idinulot nitong mabigat na daloy ng trapiko.

ā€œAng pamunuan po ng MMDA ay nag-decide na hindi na po palawakin ‘yung number coding scheme suspension,ā€ ani Artes.

Matatandaan na sinuspinde ng MMDA ang Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) nitong Lunes kasabay ng pagsisimula ng isang linggong tigil-pasada ng mga jeepney operators at drivers bilang protesta sa public utility vehicle (PUV) Modernization Program.

Ani Artes, napansin nila na tumindi ang sitwasyon sa mga kalsada na nagpatagal din sa turnaround time ng mga public utility vehicles.

Samantala, sinabi niya na hindi naman talaga tuluyang naparalisa ang transport system sa rehiyon.

Sinabi naman ni MMDA General Manager Undersecretary Procopio Lipana na 88 sa 1,600 augmented vehicles lamang ang ginamit nila para sa mga apektadong pasahero ng strike. RNT/JGC