Number coding scheme sa Bonifacio Day suspendido

Number coding scheme sa Bonifacio Day suspendido

November 29, 2022 @ 6:46 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Suspendido ang number coding scheme sa Metro Manila sa Nobyembre 30 sa pagdiriwang ng Bonifacio Day, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“Suspendido ang pagpapatupad ng number coding scheme mula 7am-10am at 5pm-8pm sa Nobyembre 30, Miyerkules, Bonifacio Day,” base sa abiso ng MMDA.

“Planuhin ang iyong biyahe, sumunod sa batas trapiko at mag-ingat sa pagmamaneho,” dagdag pa nito.

Ang Bonifacio Day ay ipagdiriwang bilang regular holiday sa Miyerkules. RNT