Number coding scheme suspendido bukas – MMDA

Number coding scheme suspendido bukas – MMDA

September 25, 2022 @ 3:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinuspinde na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang expanded number coding scheme para bukas, Setyembre 26 dahil sa Super Typhoon Karding.

Ito ang inanunsyo ng MMDA sa direktiba ni acting chairman Carlo Dimayuga III dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyo.

Kung babalikan, sa 2PM weather bulletin ng PAGASA ay inilagay na sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 4 ang hilagang bahagi ng Metro Manila samantala Tropical Cyclone Wind Signal Number 3 naman ang nakataas sa nalalabing bahagi ng National Capital Region. RNT/JGC