Number coding suspendido ngayong Lunes sa transport strike

Number coding suspendido ngayong Lunes sa transport strike

March 6, 2023 @ 7:28 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority nitong weekend ang suspensyon ng expanded number coding scheme ngayong Lunes.

Sa abiso, sinabi ng MMDA na susupendihin ang Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) ngayong Lunes, Marso 6, sa pagsisimula ng kilos-protesta ng jeepney operators at drivers kontra public utility vehicle (PUV) Modernization Program.

Subalit, walang inilabas na alituntunin ang MMDA para sa mga natitirang araw mula March 6 hanggang 12.

ā€œNakahanda naman ang Metropolitan Manila Development Authority para magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero na posibleng ma-stranded ng isang linggong tigil pasada simula sa Lunes,ā€ anito.

Inihayag ng MMDA na magde-deploy ito ng halos 25 sasakyan sa mga lugar kung saan maaapektuhan ang mga commuter ng transport strike. RNT/SA