Number coding suspendido pa rin



Number coding suspendido pa rin

June 11, 2021 @ 6:32 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Suspendido pa rin ang number coding scheme, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benjamin “Benhur” Abalos Jr.

“Suspended pa rin ang number coding because we don’t feel the need para ituloy itong number coding kasi… okay pa naman ang daloy ng traffic except of course kung… rush hour,” ani Abalos sa isang panayam sa GMA News.

Ito ay kahit mas pinaluwag ang restriksyon matapos payagan nang magbukas ang indoor non-contact sports venues, historical sites, at mga museyo sa NCR Plus.

Pinayagang magbukas ang indoor non-contact sports venues hanggang sa 30 porsyento ng kapasidad nito habang 20 porsyento naman sa historical sites at museums.

Ani Abalos pinaghahandaan na ng MMDA ang trapik at kaligtasan ng publiko.

“Maganda po ‘yung sinasabi ng IATF dahil unti-unting binubuksan ang ating mga negosyo at sana ay manumbalik na ang sigla ng ating ekonomiya kamukha nung nag pre-pandemic,” aniya.

Sinabi rin ni Abalos na bubuksan na sa Sabado ang Santa Monica Bridge habang sa Hulyo naman ang bridge parallel papuntang Guadalupe.

“So itong dalawang bagong tulay na ito talagang malaking kabawasan [ng traffic] po ito as EDSA plus ‘yung ginagawa ng DOTr na carousel. Talagang masasabi kong ang laki ng naibsan na traffic,” saad ng MMDA chief. RNT/ELM


  •  
  •  
  •