Numero unong MWP sa Taguig City, nalambat sa Isabela

Numero unong MWP sa Taguig City, nalambat sa Isabela

July 14, 2022 @ 1:17 PM 4 weeks ago


STA.MARIA, ISABELA- Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang tinaguriag number 1 Most Wanted Person o MWP sa Taguig City matapos maaresto ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan sa Barangay Bangad, Santa Maria, Isabela.

Sa ipinarating na ulat kay PCol. Julio R. Go, Acting Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang akusado ay kinilalang si Robin Maltu ‘y Masigan, 40-anyos na residente sa naturang lugar.

Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Sta. Maria Municipal Police Station (lead Unit) PIU Isabela, RGSC, NCRPO-SDMFB, Intelligence Section, Operatives of Warrant and Subpoena Unit of Taguig City Police Station at 1st IPMFC sa pagsisilbi ng warrant of arrest sa kasong Murder (Art. 248 of RPC) na inisyu ni Hon. Judge Loralie C Datahan ng Regional Trial Court Branch 69, Taguig City laban sa akusado.

Batay sa inisyung warrant of arrest laban sa akusado ay walang kaukulang piyansa o kulong habang buhay na pagkabilanggo na may Criminal Case # 6114 na inisyu noong Hunyo 13, 2022 ng naturang hukuman

Pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya ng Sta Maria Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. Rey Velasco