Nurmagomedov nag-sorry sa rambol sa UFC

Nurmagomedov nag-sorry sa rambol sa UFC

October 8, 2018 @ 2:08 PM 4 years ago


 

UFC – Sa kabila ng pagkapanalo ni Khabib Nurmagomedov sa itinuturing na most anticipated fights sa UFC nitong Linggo laban kay Conor McGregor para depensahan ang kanyang lightweight title sa UFC 229, mas naging highlight pa ang nangyaring rambol matapos ang laban.

Matapos kasing tanghaling panalo si Khabib, bigla itong lumabas ng octagon at inulan ng suntok ang team ni Conor na sinundan pa ng pagsugod din ng dalawa mula sa team naman ng Russian Mixed Martial Arts Fighter.

Sa press conference humingi ng tawad si Nurmagomedov sa Nevada athletic commission at nagpaliwanag, “sorry to the Nevada athletic commission, sorry to Las Vegas, I know this is not my best side.”

Pero nang tanungin kung bakit niya ito nagawa, dito na siya naglabas ng sama ng loob.

“People are talking about how I jumped over the cage. I’m a human, he talked about my religion, my country, my father, he almost killed a couple of people, what about this s***,” aniya habang tinutukoy ang mga panlalait ni McGregor bago pa man magsimula ang laban.

Matatandaang noong face-off pa lang ay tila makikita na ang tensiyon sa pagitan ni McGregor at ang Russian fighter lalo na nang alukin nito si Nurmagomedov ng isang baso ng whiskey.

Nagpatutsada rin si McGregor laban sa manager ni Nurmagomedov na si Ali Abdelaziz at inakusahan itong terorsta.

“Khabib’s manager is a f****** snitch, terrorist and rat and that’s it,” wika ni McGregor.

Matapos ikwento sa press conference ang pangyayari ay nagpaalala naman si Nurmagomedov sa iba pang mga manlalaro.

“This is respect sport, not trash talking sport,” aniya. (Remate News Team)