Nurse patay sa zipline

Nurse patay sa zipline

June 15, 2022 @ 3:25 PM 2 weeks ago


KALINGA – Hanggang sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung may pananagutan ang pamunuan ng resort sa pagkasawi ng isang nurse matapos mahulog sa zipline sa Tabuk City.

Kinilala ang biktima na si Paul Herbert Gaayon, binata at residente ng Purok 5, Bolinao Centro, Tabuk City, Kalinga.

Naganap ang aksidente sa isang resort sa Brgy. Bagumbayan, Tabuk City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nabitawan ni Gaayon ang pagkakahawak sa zipline na nagresulta ng kanyang pagkahulog.

Bumagsak siya sa safety net ngunit bumigay at napunit ito dahil sa bigat ng biktima dahilan para magdire-diretso siya sementadong sahig.

Isinugod pa siya sa ospital pero idineklara ring dead on arrival.

Nabatid na nasa walong metro ang taas ng zipline.

Wala ring safety harness na ipinasusuot sa mga nagzi-zipline bilang proteksyon.

Kaugnay nito, desidido ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaso laban sa may-ari ng resort. Rey Velasco