Nursery room ng baby girl nina Jen at Dennis, naka-ready na!

Nursery room ng baby girl nina Jen at Dennis, naka-ready na!

May 5, 2022 @ 9:45 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Isinilang ni Jennylyn Mercado ang bouncing baby girl na may timbang na 5.7 pounds, na panganay nila ni Dennis Trillo noong April 25 at 5pm thru caesarian procedure sa isang sikat na ospital sa Metro Manila.

Pinangalanan ng mag-asawang Jennylyn at Dennis ang panganay nila na Baby D. First girl ng family ng mag-asawa dahil parehong lalaki ang kani-kanilang anak sa nauna nilang karelasyon.

Si Dennis ay nagka-anak na kay dating beauty queen Carlene Aguilar, na pinangalanang Calix Andrea Ho. Si Jennylyn naman, sa dating aktor na si Patrick Garcia, na may pangalang si Alex Jazz.

Sa balita ng 24 Oras sa portion ng Chika Minutes, sinabi na malalaman pa ang ibang detalye tungkol kay Baby D sa YouTube Channel ni Jennylyn. ‘Yung nursery room ni Baby D, ipinakita sa Episode 13 ng YouTube Channel ni Jen.

Samantala, ang nahintong taping ng soap ng GMA, Love. Die. Repeat, kung saan bida sina Jen and Xian Lim, ay inaasahang itutuloy kapag fully recovered na sa panganganak ang aktres. Sadyang hinihintay lang ang availability ni Jen. Ganyan kaalaga ng production si Jen.  Noel Asinas