Nutribun ipinamahagi sa Malabon

Nutribun ipinamahagi sa Malabon

November 10, 2022 @ 4:31 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinangunahan nina Senador Imee Marcos, Malabon Mayor Jeannie Sandoval at Former Congressman Ricky Sandoval ang pamamahagi ng Nutribun sa mga kabataan na nasa labas ng Malabon Sport Complex.

Namahagi din ang Senador ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 1000 indibidwal.

Ang nutribun ay unang ipinakilala sa Pilipinas ng USAID para labanan
ang malnutrisyon sa mga bata noong termino ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ang e-nutribun ay mas pinasarap at mas pinasustansyang pormulasyon at hindi isang pangkaraniwang tinapay lamang.

Ito ay nagtataglay ng Vitamin A, Iron, at Iodine mula sa natural ingredients,
at mayroong 500 kilocalories kada piraso. Jojo Rabulan