Nutrisyon ng mga estudyante, palakasin para sa full F2F classes -DOST-FNRI

Nutrisyon ng mga estudyante, palakasin para sa full F2F classes -DOST-FNRI

November 5, 2022 @ 12:12 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanawagan ang  Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) sa mga eskwelahan, pamilya at iba pang concerned agencies na palakasin ang nutrisyon ng mga estudyante upang maging handa sa ‘full implementation’ ng face-to-face classes sa buong bansa.

Tinukoy ang kamakailan lamang na  Expanded National Nutrition Survey, sinabi ni DOST-FNRI director Dr. Imelda Angeles-Agdeppa na tatlo mula sa 10 filipinong kabataan ang bansot o kulang sa tangkad dahilan upang mas maging  ‘vulnerable’ ang mga ito sa COVID-19 at iba pang sakit.

“With proper nutrition, meaning providing the children with the correct amount and types of foods, they will be shielded from frequent attacks of illnesses during the face-to-face classes,” anito.

Tinukoy din nito ang natuklasan ng National Nutrition Survey na ang mga undernutrition  ay nananatiling laganap sa populasyon sa mga  rural areas at sa mga low-income households.

Bagama’t kinikilala at tanggap ng Agdeppa na nag-improve na ang  nutritional status ng mga preschool-aged children kumpara sa dating situwasyon nito, sinabi ni  Agdeppa sa pulong ng United Nations Sustainable Development Goals na nananatili pa ring mabagal ang development ukol dito.

Subalit, binigyang diin ni Agdeppa na ang pagtugon sa problema sa child nutrition ay hindi dapat mag-isang naiiwan sa kamay ng gobyerno.

“We need to call on parents, family members, teachers, teaching staff, and other influencers in a child’s life to impart the value of nutrition. […] As we transition to regular operations in schools nationwide, we enjoin all parents and health and nutrition stakeholders to be vigilant in keeping children’s good health and nutrition a focus of care,” wika nito.

“Our children and youth will only be able to maximize their education when they are healthy, and we put their future at stake by not fully realizing the importance of good nutrition,” dagdag na pahayag ni Agdeppa.

Samantala, karamihan sa mga eskuwelahan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay nagsimula na ng  “full implementation” ng face-to-face classes, nito lamang Nobyembre 2, kauna-unahan simula nang ikasa ang  blended o distance learning noong 2020 dahil sa  COVID-19 pandemic. Kris Jose