Nutrition crisis nakaumang-Rep Salceda

Nutrition crisis nakaumang-Rep Salceda

June 14, 2022 @ 8:43 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagbabala si House Ways and Means Committee Chairman at Albay Rep Joey Salceda na mahaharap ang bansa sa nutrition crisis kung walang mura at masustansyang pagkain na mabibili ang mga ordinaryong Filipino.

Ang babala ay ginawa ni Salceda sa harap ng lumabas na survey na nasa 100,000 pamilya ang nakaranas ng involuntary hunger sa unang quarter ng 2022 bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng basic commodities.

“I fear that if we don’t find a way to get cheap, accessible sources of nutrition among the poor and among children, we will see a nutrition crisis that could affect long-term growth prospects.” paliwanag ni Salceda.

Ayon kay Salceda sa pag aaral na ginawa ng Food and Nutrition Research Institute(FNRI) amg mean daily energy intake dapat ng isang manggagawa ay 1768 kcal/day o 74% ng Estimated Energy Requirements (EER) subalit lumilitaw na sa working-age Filipinos ay kulang ang mga ito ng 621 calories dahilan para maging mahina ang mga ito sa trabaho o madaling magkasakit dahil sa kakulangan ng nutrisyon.

“And that’s about to get worse during this period of high food prices. As caloric intake gets worse, and the quality of calories deteriorates, our long-term productivity will also suffer,” ani Salceda.

Sinabi ni Salceda na isa sa dapat na tiyakin ng gobyerno ay access sa mura at masustansyang pagkain.

Umapela ang solon sa susunud na administrasyon na piliin ang magaling na agriculture secretary dahil crucial ang gagampanan nitong responsibilidad sa harap ng problema sa kakulangan ng pagkain at nutrisyon. Gail Mendoza