NWRB KASALI SA INILUNSAD NA 3D PHILIPPINE INFORMATION SYSTEM

NWRB KASALI SA INILUNSAD NA 3D PHILIPPINE INFORMATION SYSTEM

December 2, 2022 @ 11:27 AM 2 months ago


PORMAL nang inilunsad kamakailan sa pangunguna ng DOST o Department of Science and Technology ang 3D Philippine Information System na isang online mapping platform para sa surface and subsurface data ng bansa.

Kabilang sa mga kabahagi ng programa ang DPWH o ang Department of Public Works and Highways, De La Salle University, at ang NWRB o National Water Resources Board na kinatawan ni executive director Dr. Sevillo David, Jr.

Ginawa ang 3D PIS para magkaroon ng isang centra-lized database system na paglalagyan ng mga datos at  ana-lysis of surface and subsurface information na malaki ang maitutulong sa mga pagpa-pla-no at sa disaster risk reduction initiatives ng pamahalaan sa mga programa nito at ng pribadong sektor.
Bukas ang datus sa    scientists, engineers, community developers, at investors, at ito ay bahagi ng “ease-in-doing-business” platform ng Mar-cos administration.

Sa bahagi ng NWRB bilang pangunahing ahensya ng pamahalaan para sa pamamahala ng water resources ng bansa, ito ang magsusuri ng mga datos ng surface and groundwater data na ilalaman ng 3D PIS.

Sa programang “Health & Travel @ Serbisyo Publiko” kamakailan, sinagot ni NWRB executive director Dr. Sevillo David, Jr. ang katanungan ng mga kababayan natin. Wala umanong dapat na ikabahala ang mga nasa Greater Manila Area (GMA) sa itinaas na buga ng tubig para sa dalawang water concessionaires, ito ani-ya ay tugon ng ahensiya sa kahilingan ng MWSS mismo para maging supisyente ang suplay ng tubig sa mga paga-waan, kabahayan at mga sakahan.

-ooOoo-

NAGLABAS ng advisory ang DICT o ang Department of Information and Communication Technology hinggil sa pag-iingat sa panibagong phishing activity gamit ang new   Friendster.

Sa imbestigasyon ng Kagawaran, lumabas na ang IP address ng nasabing app ay may mga reklamo na ng phi-shing, hacking, host exploitations, at iba pang iligal na akti-bidad.

Kaya payo ng DICT, ka-pag nakatanggap ng anomang mensahe mula sa new  Friendster ay huwag  mag-register dito dahil magiging compromised ang inyong datos.

Ang phishing ay isang cyber-attack gamit ang isang lehitimong website para nakawin ang inyong passwords, data, bank or credit card information.

Mag-ingat sa hi-tech na modus operandi na ito.