NWRB WATER PERMIT ONLINE APPLICATION

NWRB WATER PERMIT ONLINE APPLICATION

July 13, 2022 @ 6:19 PM 1 month ago


ANG National Water Resouces Board (NWRB) ay isang ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa lahat ng katubigan sa buong bansa at nagmomonitor sa paggamit ng tubig.

Ang pagkontrol ng paggamit ng lahat ng uri ng katubigan tulad ng alokasyon, konserbasyon at pag-iingat na kaakibat ang pagsustena sa pagpapaunlad nito sa pamamagitan ng sistema ng water rights.

Ang Water Permit (WP) ay isang dokumento na ibinibigay ng NWRB, kung saan ipinagkaloob ang karapatan sa paggamit ng tubig at mapagkukunan ng tubig mula sa ibabaw o lupa.

Ang Certificate of Public Convenience (CPC) ay isang pormal na kasulatan na may kapangyarihan na maaaring nilang maipatakbo at mapanatili ang isang sistema ng tubig na may bayad.

Ang pagsumite ng aplikasyon para sa WP at CPC sa iba’t-ibang rehiyong ay isang mandatory proseso na kinakailangang gawin para maabot ang kanilang serbisyo sa mamamayan Pilipino.

Sa mga interesadong mag-aplay ng Water Permit (WP) at Certificate of Public Convenience (CPC), hindi na nila kailangang maglakbay mula sa kanilang lalawigan patungo sa NWRB central office, Quezon City.

Ang mga WP at CPC application ay maaaring maipadala gamit ang bagong permitting system ng NWRB. Maaaring ng magpasa ng mga kaukulang dokumento sa email address ng NWRB, [email protected] at [email protected] o sa mga extension office sa Cebu at Davao City.

Ayon kay Executive Director Sevillo D. David Jr., ang Water Permit at CPC approval ay manggagaling pa rin sa NWRB main office na matatagpuan sa  8th floor, NIA Building, EDSA, Diliman, Quezon City.

Sino nga ba ang dapat mag-apply ng water permit, bukod sa mga water service providers?

Dapat mag-apply ang mga may balak magpagawa ng deepwell o balon sa kanilang pabrika o subdivision. Paalala ng Executive Direktor, ‘’Water Permit is a must’’, kaya kinakailangan humingi ng permiso muna sa NWRB sapagkat may mga lugar gaya ng Metro Manila na hindi pwedeng basta-bastang maghukay nang walang karampatang assessment at pahintulot. Dagdag pa niya, mas magandang kumuha sa mga water service provider, na kung saan ay sapat ang supply at alokasyon, aniya.