NYSE experience, memorable kay Sandro

NYSE experience, memorable kay Sandro

September 21, 2022 @ 11:06 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Hindi malilimutan karanasan para kay Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos ang kanyang pagbisita kasama ng First Family sa New York Stock Exchange (NYSE).

β€œSuch an honour to have been present to witness our President ringing the bell at the NYSE,” ani Rep. Marcos na tumutukoy sa kanyang ama na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaan na noong isang araw ay naghatid ng mensahe si Pangulong Marcos sa NYSE economic forum at nagpatunog pa ng closing bell ng stock exchange.

β€œThank you to Vice Chairman John Tuttle for the hospitality and for the privilege. I’ll never forget this!,” pasasalamat ni Rep. Marcos kasabay ng pag-upload ng mga larawan niya sa naturang event. RNT/JGC