NZ kabado sa Gilas; Pinoy ibubuhos ang lahat sa laban

NZ kabado sa Gilas; Pinoy ibubuhos ang lahat sa laban

February 27, 2022 @ 10:39 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Ilang oras bago ang laban, todo pa rin ang ginagawang preparasyon ng New Zealand (NZ)  kontra sa Gilas Pilipinas sa pangambang baka masilat pa sila ng mga Pinoy sa ginaganap na 2023 FIBA World Cup Asian qualifiers.

Tinaguriang Tall Black, ang NZ ang inaasahang mananalo sa laban dahil ito ay No. 27 sa world rankings habang No. 33 naman ang Pilipinas.

Aminado ang NZ na pinaghandaan nila ang pressure ng homecrowd ng Pilipinas lalo na at araw ng Linggo ang laban at siguradong maraming manonood.

Bukod pa umano rito, kalaban na rin umano nila ang dating head coach ng NZ na si Nenad Vucinic na isa sa tumitimon sa Gilas Pilipinas.

Naniniwala umano ang NZ na naghanda ang Pilipinas ng mga diskarte para talunin sila sa laban.

Hawak pareho ng Gilas at NZ ang tig-dalawang panalo.

Matatandaang huling nagsagupa ang dalawang tream sa noon 2016 FIBA Olympic Qualifying tournament kung saan tinalo nila ang Pilipinas.JC