NZ, Norway, Switzerland, ka-grupo ng Filipinas sa 2023 FIFA Women’s World Cup

NZ, Norway, Switzerland, ka-grupo ng Filipinas sa 2023 FIFA Women’s World Cup

October 23, 2022 @ 10:59 AM 2 months ago


Metro Manila — Kahit kanino magrupo, lahat ng kalaban siguradong malalakas, ito ang tinuran ni Filipinas coach Alen Stajcic kaugnay sa ginanap na draw sa Group ng 2023 FIFA Women’s World Cup Auckland, New Zealand.
Haharapin ng mga Pinay, ika-53 sa mundo, ang co-host ng New Zealand, Norway, at Switzerland sa group stage ng global showpiece.

Unang sasagupain ng Pilipinas ang Switzerland sa Hulyo 21 sa Dunedin, pagkatapos ay sa isang laban laban sa New Zealand sa Hulyo 25 sa Wellington, at Norway sa Hulyo 30 sa Auckland.

Pinakamataas ang ranggo ng Norway na nasa no. 12 sa mga makakalaban ng Pilipinas na koponan sa Group A na sinundan ng Switzerland sa No. 21, at New Zealand sa No. 22.

Ang New Zealand ang pinakapamilyar sa mga Pinay sa pakikipaglaban sa kanila sa isang friendly match noong nakaraang buwan, kung saan ang nalasap ng Pilipinas ang 2-1 kabiguan sa isang laro na ginanap sa California, USA.

Naiwasan ng Pinay ang pinakamalakas na kalaban na two-time defending champion na US at 2019 runner-up at second-ranked Netherlands, na parehong pasok sa Group E kasama ang Vietnam at ang playoff winner mula sa Group A.

Nasa Group B naman ang co-host na Australia kasama ang Ireland, Nigeria, at Canada.

Binubuo naman ang Group C Spain, Costa Rica, Zambia at Japan habang ang Group D ay binubuo ng England, Denmark, China at ang playoff winner mula sa Group B.

SA Group F ay ang France, Jamaica, Brazil at ang nagwagi sa playoff mula sa Group C.

Maglalaban naman sa Group G ang Sweden, South Africa, Italy at Argentina habang ang Germany, Morocco, Colombia at South Korea ay naka-bracket sa Group H.

Kung makakapasok sa top 2 finish, makukuha ng Pilipinas ang slot para sa knockout phase.JC