Oath-taking ng bagong cabinet members, pinangasiwaan ni Marcos

Oath-taking ng bagong cabinet members, pinangasiwaan ni Marcos

June 30, 2022 @ 7:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakatanggap si Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  ng military honors sa Malacañang Palace matapos ang kanyang inagurasyon sa  National Museum of Fine Arts, araw ng Huwebes.

Kasama ng Pangulong Marcos si  First Lady Liza Araneta-Marcos at ang kanilang mga anak na sina Ilocos Norte Representative Sandro Marcos, Simon Marcos, at Vincent Marcos.

Sa kabilang dako, pinangunahan naman ni Pangulong Marcos ang oath-taking  ng kanyang mga  Cabinet members  na magsisilbi sa ilalim ng kanyang liderato kabilang na si Vice President Sara Duterte na pamumunuan ang Department of Education.

Pinangalanan naman ni Pangulong Marcos  ang mga personalidad na hahawak ng mga  ‘key government posts” at tutulong sa kanyang pamamahala gaya nina•:

  • Victor Rodriguez – Executive Secretary

  • Vice President Sara Duterte – Department of Education

  • Benjamin Diokno – Department of Finance

  • Arsenio Balisacan – National Economic and Development Authority

  • Jesus Crispin Remulla – Department of Justice

  • Emmanuel Bonoan – Department of Public Works and Highways

  • Bienvenido Laguesma – Department of Labor and Employment

  • Susan Ople – Department of Migrant Workers

  • Alfredo Pascual – Department of Trade and Industry

  • Erwin Tulfo – Department of Social Welfare and Development

  • Christina Garcia-Frasco – Department of Tourism

  • Ivan John Enrile Uy – Department of Information and Communications Technology

  • Benhur Abalos – Department of the Interior and Local Government

  • Jaime Bautista – Department of Transportation

  • Amenah Pangandaman – Department of Budget and Management

  • Conrado Estrella III – Department of Agrarian Reform

  • Jose Faustino Jr. – Department of National Defense

  • Clarita Carlos – National Security Adviser

  • Juan Ponce Enrile – Presidential Legal Counsel

  • Menardo Guevarra – Office of the Solicitor General

  • Felipe Medalla – Bangko Sentral ng Pilipinas

  • Anton Lagdameo – Special Assistant to the President

  • Maria Zenaida Angping – Presidential Management Staff

  • Trixie Cruz-Angeles – Presidential Communications Operations Office

Samantala, isang araw bago pa ang inagurasyon ni Pangulong Marcos ay inanunsyo na ng kampo nito na  si  outgoing Solicitor General Jose Calida  ang uupo bilang chairperson ng Commission on Audit  sa bagong administrasyon  habang si Jose Arnulfo “Wick” Veloso naman ang magiging pangulo ng Government Service Insurance System.

Pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang  oath of office ng kanyang anak na si Sandro, bagong kongresista ng  first district ng Ilocos Norte.

Ang iba pang lokal na opisyal mula sa  Ilocos Norte ay nanumpa rin sa kanilang tungkulin sa harap ni Pangulong Marcos.

“Sinabi ko kasi kay Sandro, dalhin mo silang lahat dito kahit na papano para masabi ko naman na sinumpa ko ang aking anak na naging bagong congressman at lahat ng kasama natin dito sa Ilocos Norte,” Marcos, a former governor of the province,’ ayon kay Pangulong Marcos. Kris Jose