Oath-taking ng bagong interim officials ng MPD Press Corp. umarangkada

Oath-taking ng bagong interim officials ng MPD Press Corp. umarangkada

August 19, 2022 @ 4:49 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nanumpa kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo ang mga bagong Interim officials ng Manila Police District (MPD) Press Corp.

Sa kanyang mensahe sa mga bagong opisyal ng nasabing samahan, pinaalalahan ang mga miyembro ng samahan na dapat makipagtulungan at sundin kung ano ang mandato ng Pangulo upang maging matagumpay ang isang organisasyon.

Bilang dating presidente rin ng MPD-Press Corp, batid umano niya ang sitwasyon ng mga mamahayag.

Pangunahin aniyang misyon ang ipagbigay-alam sa publiko ng may tamang impormasyon at responsibilidad.

Kabilang sa mga nanumpang MPDPC officials ay sina Edd Gumban ng Phil Star bilang Presidente; Vice Pres: Jonas Sulit ng Abante; Secretary: Gina Mape ng DWWW; Treasurer: Jonjon Reyes ng People’s Journal; Auditor: Crismon Heramis ng Remate at mga Directors na sina Jocelyn Domenden ng Remate Online; Richard Reyes ng Daily Inquirer; Norman Araga, Manila Standard; Justine Punsalan ng TV5; Miguel Antonio De Guzman ng Phil. Star; Mike Alquinto ng Manila Times at Mores Heramis ng ABS-CBN.

Dumalo rin sa nasabing seremonya sina DSWD Usec. Jerico Javier at Asec. Rommel Lopez gayundin ang mga opisyales ng National Press Club (NPC) sa pangunguna ni Pangulong Lydia Bueno, Manila Police District (MPD) at si Manila Vice Mayor Yul Servo na malugod na binati at pinasalamatan ang mga mamahayag ng MPDPC.

Nakiisa rin ang ilang mga opisyal ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Incorporated (FFCCCII) at Philippine Fujian General Business Association na sina Andy Co, Cesar Go at Vincent Chan na walang sawang sumusuporta sa grupo simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic. Jocelyn Tabangcura-Domenden