Oathtaking ng mga bago, dating gov’t officials pinangunahan ni PBBM; Tirzo Cruz III pasok

Oathtaking ng mga bago, dating gov’t officials pinangunahan ni PBBM; Tirzo Cruz III pasok

July 6, 2022 @ 11:55 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang batch ng mga muling itinalagang opisyal at mga bagong mukha na maglilingkod sa gobyerno sa isang oath-taking ceremony na ginanap noong Martes.

Kabilang sina Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) Chief Operating Officer Mark Lapid sa mga muling hinirang at nanumpa kay Marcos.

Si Romualdez, pangalawang pinsan ni Marcos, ay naging ambassador ng bansa sa Washington mula noong Agosto 2017 nang italaga siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Lapid, anak ni incumbent Senator Lito, ay unang nagsilbi bilang TIEZA COO mula 2009 hanggang 2016. Muling itinalaga siya ni Duterte noong Enero 2021.

Nanatili rin ang aktor na si Juan Revilla bilang isa sa mga board member ng Movie and Television Review and Classification Board.

Samantala, ang batikang aktor na si Tirso Cruz III ang papalit kay Liza Dino bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines.

Si dating Quirino governor at congressman Junie Cua ang bagong chairperson ng Philippine Charity Sweepstakes Office, habang si dating Basilan governor at congressman Abdulghani “Gerry” Salapuddin ay bagong chairperson ng Southern Philippines Development Authority.

Si Antonio Miguel Lagdameo ay nanumpa bilang Ambassador at Permanent Representative ng Pilipinas sa United Nations.

Nanumpa rin ni Marcos sina Budget Secretary Amenah Pangandaman, Government Service Insurance System President at General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso, Bureau of Internal Revenue Deputy Commissioner for Operations Romeo Lumagui Jr., at Presidential Security Group Commander at Senior Military Assistant Ramon Zagala. RNT