Obiena swak sa Top 10 ng World Athletics noong 2021

Obiena swak sa Top 10 ng World Athletics noong 2021

January 2, 2022 @ 12:46 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Swak si Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena sa top 10 ng mga atletang may pambihira at magandang performance  sa  World Athletics noong 2021.

Itinila ng athletics body noong Sabado ang record breaking performance ni Obiena na 5.93 meters sa ikatlong puwesto, na nakatabla kay Sam Kendricks ng USA at Russian athlete na Timur Morgunov.

Naitipa ni Obiena ang marka noong Setyembre sa 17th International Golden Roof Challenge sa Innsbruck, kung saan sinira niya ang Asian record.

Si Armand Duplantis ay gumawa ng pinakamataas na rekord para sa 2021 na may 6.10 metro, habang pumangalawa si Christopher Nilsen na may 5.93 metro.

Nauna nang ipinahayag ni Obiena ang kanyang kagustuhang makapag-book ng slot sa 2024 Paris Olympics.JC