Obiena gutom sa panalo sa kabila ng kahanga-hangang indoor season

Obiena gutom sa panalo sa kabila ng kahanga-hangang indoor season

February 26, 2023 @ 3:05 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines — Sinabi ni EJ Obiena na hindi siya kumpiyansa sa mga nagawa niya sa katatapos lang na indoor pole vault season kung saan nakuha niya ang apat na first place finish sa kanyang walong kompetisyon.

Nagtapos din sa podium maliban sa kanyang huling laro ng season kung nagtapos na kulelat, sinabi ni Obiena na kahit na masaya niyang kukunin ang mga panalo, marami pa rin siyag gustong gawin.

Bagama’t hindi nakalahok sa Asian Indoor Athletics Championships dahil sa logistical concerns, matagumpay pa rin ang pagsisimula ni Obiena sa taon.

Ngayon sa darating na panahon sa labas, nagtakda si Obiena ng ilang matataas na layunin para sa kanyang sarili.

“There’s four major championships for me this year, I want to win all of them. Mahirap, some people might even say it’s impossible but, I think I’ve proven a lot of things na imposible last year. It’s doable.” sinabi niya.

“Kaya pinupuntirya ko ‘yan, target ko ito at gagawin ko lang ang aking makakaya.” Idinagdag niya.

Bukod sa World Athletic Championships, inaasahang makakalaban din si Obiena sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa huling bahagi ng taong ito.JC