Obiena inilaglag ng PATAFA sa World Indoor Championship

Obiena inilaglag ng PATAFA sa World Indoor Championship

March 13, 2022 @ 12:54 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng malaking kalungkutan si Pinoy pole vaulter EJ Obiena matapos hindi bigyan ng go-signal  ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) upang makasali sa World Indoor Championship na gagapin sa susunod na linggo sa Belgrade, Serbia.

Ito ay sa kabila na kwalipikado itong lumahok sa torneo.

Gamit ang social media,  inihayag ni Obiena na sa mga nagdaang torneo ay malinaw na ito kuwalipikado.

Dahil sa aniya sa hindi pag-endorso sa kanya ng PATAFA ay hindi na siya nakahabol sa registration.

Maging ang pagsabak nito sa SEA Games sa Vietnam ay hindi inindorso ng PATAFA.

Dagdag pa nito na panonoorin na lamang niya sa telebisyon ang torneo at pagmamasdan na lamang ang pagkuha ng medalya ng ibang bansa na dapat ay para sa Pilipinas.JC