Obiena kampeon sa Italy

Obiena kampeon sa Italy

May 31, 2022 @ 2:37 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Ilang araw matapos pagharian ang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam, muling nanalasa ang pambato ng Pilipinas sa pole vault na si Olympian EJ Obiena upang sungkitin ang kampeonato sa isa pang torneo sa Europe.

Ang Filipino pole vault ace ay lumundag  ng 5.85 metro para maghari sa European City of Sports noong Linggo sa L’Aquila, Italy.

Ang resulta ay mas mababa ng 0.08 meters sa kanyang personal best na 5.93 na nagawa nito sa Innsbruck, Austria, na siya ring kasalukuyang Asian record.

Ang pinakahuling tagumpay ay nag-angat kay Obiena mula sa 5.45-performance niya sa biennial regional meet kung saan siya rin ang nakakuha ng gintong medalya.

Sa isang Instagram post, sinabi ng rank no. 6 sa mundo na si  Obiena na: “It’s not everyday we get to jump in such beautiful places. 5.85m for the gold medal here in L’Aquila Italy.”

“Napakagandang venue na tumatalon sa harap ng Basilica di Santa Maria di Collemaggio.”RICO NAVARRO