Obiena kinapos sa Hungary

Obiena kinapos sa Hungary

August 9, 2022 @ 2:09 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nalaglag si world no. 3 pole vaulter EJ Obiena sa 4th place sa Gyulai Istvan Memorial 2022 sa Szekesfahervar, Hungary.

Rumehistro ang 26-anyos na si Obiena ng 5.45 metro, na kulang sa kanyang 5.73-m vault para sa bronze gaya ng nakuha niya Β ilang araw lang ang nakalipas sa Silesia Diamond League sa Poland.

Mahigit dalawang linggo lamang ang nakalipas ay nai-post ni Obiena ang kanyang personal na pinakamahusay at nagtakda ng Asian record na 5.94m sa World Athletics Championships sa Eugene, Oregon.

Hindi na pinawisan ang top-ranked na si Armand Duplantis at kailangan lamang ng 5.80m para makuha ang gintong medalya. Hawak ng Swiss ang world record sa 6.21m.

Nasungkit ni World No. 6 Renauld Lavillenie ng France ang silver medal na may 5.70m at No. 20 Thibaut Collet, mula rin sa France, na pumangatlo na may 5.60m sa World Athletics Continental Tour Gold level meet.JC