Obiena kulelat sa 2022 Wanda Diamond League

Obiena kulelat sa 2022 Wanda Diamond League

July 2, 2022 @ 9:38 AM 2 months ago


MANILA, Philipines – Lumagapak sa 6th place si Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena  sa Stockholm leg  ng katatapos na 2022 Wanda Diamond League.

Nalundag ni Obiena ang 5.73 meter mark sa tournament, ilang araw matapos masungkit ang gold at tumipa ng season best sa Taby Stavhoppsgala tournament, sa Sweden din.

Nasungkit ni Mondo Duplantis ang first place sa tournament nang ma-clear niya ang 6.16 meters, ang bagong new world record sa outdoor pole vault.

Nasa 2nd place naman si American Christopher Nilsen  at 3rd si Brazilian Thiago Braz nang pareho nilang malundag ang taas na 5.93 meter mark. Nasa 4th at 5th place naman sina  Norway’s Pål Haugen Lillefosse atd French Renaud Lavillenie, ayon sa pagkakasunod-sunod sa record na 5.83m.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Obiena  na ang torneo ay isang malaking karanasan para sa kanya.

“You win some… then you learn some,” wika nito sa Instagram post.

Ang Diamond League ay ang pangalawang tournament ni Obiena matapos gumaling sa COVID-19.RICO NAVARRO