Obiena laglag sa 2nd place sa ISTAF Berlin tourney

Obiena laglag sa 2nd place sa ISTAF Berlin tourney

September 5, 2022 @ 11:19 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Matapos manguna sa ilang kamakailang torneo, pumangalawa ang pole vaulter na si EJ Obiena sa ISTAF Berlin tournament sa Germany noong Linggo.

Nakuha ni Obiena ang 5.81 metro para pumangalawa sa likuran ni Meno Vloon ng Netherlands na nagtala ng 5.88 metro.

Hindi sinubukan ni Filipino Olympian ang 5.88m mark at nagtangka sa 5.95, na pareho nilang hindi nalusutan ni Vloon.

Na-cleared din ni Australian Kurtis Marschall ang 5.81 metro para sa ikatlo pwesto nang makumpleto niya ito sa tatlong pagtatangka.

Sa isang post, sinabi ni Obiena na magpapatuloy siya sa pagpupursige sa kabila ng second place finish.

“Ilang kumpetisyon pa bago natin ito tawaging season. Patuloy tayong magtulak at lumaban,” wika nito.

Tinalo kamakailan ni Obiena ang world no. 1 Armand Duplantis sa Brussels leg ng Diamond League.0

Susunod na sasabak ang pole vaulter sa Liechtenstein sa Setyembre 11.JC