Obiena nakauwi na ng bansa 

Obiena nakauwi na ng bansa 

September 15, 2022 @ 1:04 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakarating na sa Maynila si EJ Obiena matapos ang kanyang season sa Europa.

 Lumapag ang eroplanong sinasakyan ni  Obiena sa Ninoy Aquino International Airport ngayon Huwebes ng umaga kung saan sinalubong siya ng kanyang mga magulang na sina Emerson at Jeannete.

Kasama ni Obiena sa kanyang pagdating ang kanyang kasintahang si Caroline Joyeaux.

Nakatakdang magbigay ng courtesy call ang 26-anyos na world No. 3 pole vaulter sa bagong upong Philippine Sports Commission chairman na si  Noli Eala. RICO NAVARRO