Obiena papalitan bilang flag-bearer sa Tokyo Olympics

Obiena papalitan bilang flag-bearer sa Tokyo Olympics

July 13, 2021 @ 12:15 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Papalitan umano si EJ Obiena bilang flag-bearer ng Pilipinas para sa Tokyo Olympics dahil sa umano’y bagong protocols sa Games.

Ayon sa pinakabagong protocols, sinabi ng Tokyo Olympic Games Organizing Committee (TOGOC) na dapat ang flag-bearers ay nasa Japan na 48 hours bago ang July 23.

Pero base sa schedule ng Filipino pole vaulter,  darating ito sa Tokyo sa araw mismo ng opening ceremony  at hindi na umano mapapalitan ang travel itinerary nito.

“Nirerequire na mga flag bearers natin na dapat nandoon na sila 48 hours before,” ayon sa kay POC President Bambol Tolentino. “Ang dating ni EJ is 2:30 ng 23.”

“Mahirap na sumugal. With that, pinaalam ko na sa athletics na baka at malamang mapalitan ang flag bearer natin because of the recent development sa Tokyo,” hirit ni Tolentino.

Matatandaang napili sina Obiena at judoka Kiyomi Watanabe bilang flag-bearers ng Pilipinas sa parada ng mga bansa sa opening rites.

Sinabi rin ni Tolentino na iaanunsiyo sa Miyerkules kung sino ang ipapalit kay Obiena bilang flag-bearer.

Inilagay ang Tokyo  sa ilalim ng state of emergency habang ginaganap ang Olympics dahilan para mapwersa ang organizers na ipagbawal ang manonood sa laro.JC