Obiena sa Kamara: Sistema sa Sports Association, busisiin

Obiena sa Kamara: Sistema sa Sports Association, busisiin

December 15, 2021 @ 12:46 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Sa gitna ng kinahaharap na kontrobersiya sa umanot ‘mismanagement’ sa kanyang nationa athlete funds, mismong si Filipino pole vault Olympian EJ Obiena ang umapela sa House of Representatives na silipin ang kasalukuyang sistema sa National Sports Association (NSA).

Giit ni Obiena na kung hindi kikilos ang mga mambabatas ay hindi malayong maulit muli ang nangyari sa kanya.

“I will ask you to help to examine the system and enact appropriate laws that will clean up the way the NSA is run. I pray that their finances be managed and dispersed more efficiently and more effectively.They should be the one handling treasury functions and not delegate it to any of the athletes,” paliwanag ni Obieba.

Si Obiena ay una nang inakusahan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na hindi nagbabayad ng kanyang Ukrainian coach at hindi pagli-liquidate ng kanyang athlete funds.

Sa nauna nang pagdinig ng House Committee on Youth and Sports Development ay nanindigan si Obiena na binabayaran nito ang kanyang coach na si Vitaliy Petrov at mismong ang kanyang coach ang nagpatunay nito sa inilabas na statement.

Dinepensahan din si Obiena ng kanyang mentor na si Jim Lafferty, aniya, may ilang mali sa sistema ng NSA lalo sa pagdating sa pag aatas sa mga atleta ng liquidation gayong ang mga ito ay abala sa kanilang schedule at training.

“The system is broken on how liquidation is done,” ani Lafferty.

Aminado si Lafferty na dahil sa mga akusasyon kay Obiena ay nalulungkot ito dahil mismong ang sports committee pa ang sumisira sa reputasyon nito. Gail Mendoza