Obiena silver sa Italy

Obiena silver sa Italy

August 5, 2020 @ 11:12 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

TRIESTE, Italy – Nasungkit ni Olympic bound at SEA Games pole vault gold medalist EJ Obiena ang silver medal sa katatapos na 13th International Meeting sa Trieste, Italy matapos lundagin ang 5.45 meter mark sa competition.

Hinirang namang kampeon si Olympic gold medalist Thiago Braz da Silva ng Brazil na may 5.50 meter at 3rd place naman si Max Mandusic ng Italy na pumailandang sa taas na 5.35 meter.

Ayon sa ulat, nanatili sa Italy si Obiena kahit may ipinatutupad na lockdown ang nasabing bansa bunsod ng coronavirus pandemic.

Unang Pinoy si Obiena na nakapasok sa Tokyo Olympics 2021.

Pinuri ni Philippine Sports Commission Chairman William “Butch” Ramirez si Obiena sa karangalang nasungkit nito para sa bansa. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...