Obiena umatras sa Init Indoor Meeting

Obiena umatras sa Init Indoor Meeting

January 27, 2022 @ 5:28 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Umatras na si Olympian pole vaulter EJ Obiena sa paglahok sa Init Indoor Meeting na nakatakda sa Karlsruhe, Germany sa Enero 28 na magiging una sana niyang laban matapos ang mahabang pahinga.

Ayon kay Jim Lafferty, adviser ni Obiena, walang sapat na oras sa paghahanda ang pole vaulter para sa nasabing kompetisyon dahil galing siya sa isang operasyon upang ayusin ang maliit na meniscus tear sa kanyang kaliwang tuhod.

Sinabi pa ni Lafferty na naapektuhan ang pagsasanay ni Obiena bunsod ng patuloy na hidwaan sa kanyang mother federation, Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

“We have decided to pull out of Karlsruhe. EJ just hasn’t had enough training days post surgery and his timing is off,” ani Lafferty.
“And of course the ongoing issues vis a vis Patafa don’t help. The knee is fine and pain free. He just is having timing issues particularly on a full approach and this takes some time to work out.”
Nakatakda sanang sumagupa si Obiena bandang alas-7 ng gabi nitong Biyernes sa Karlsruhe (mga 2 a.m. Sabado sa Manila) laban sa mga nangungunang pole vaulter sa mundo gaya ng 2020 Tokyo Olympics gold medalist na si Armand Duplantis.
Si Obiena ay inaasahang babalik sa aksyon sa susunod na buwan sa ISTAF Indoor sa Berlin sa Pebrero 4.JC