Obispo: Maghinay-hinay sa F2F classes vs Omicron

Obispo: Maghinay-hinay sa F2F classes vs Omicron

December 8, 2021 @ 9:41 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang opisyal ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) na pag-aralang mabuti ang pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa.

Ang panawagan ng CBCP ay kasunod ng pilot-testing ng mga limited face-to-face classes sa 28 mga pampublikong paaralan sa Metro Manila at 170 mga pribado at pam-publikong paaralaan sa buong Pilipinas.

Dalangin ni CBCP Episcopal commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) Chairman Bayombong Bishop Elmer Mangalinao ang pagkakaroon ng sapat na pag-aaral at pagninilay ng mga itinalagang opisyal ng pamahalaaan sa hakbang para sa kapakanan ng mga mag-aaral.

“Dalangin ko lang na napakalalim sana at napakalawak na pag-iisip, pagninilay na ginawa para ibukas ang mga paaralan para sa ating mga kabataan, talagang it is a broad step coming from the government,” ayon sa panayam ng Obispo sa Veritas.

Pinangangambahan naman ni Bishop Mangalinao ang banta ng COVID-19 Omicron variant sa mga mag-aaral kaya’t nanawagan ito mahinahong desisyon sa F2F classes.

Inihayag ng DepEd na ngayong Disyembre ay magsusumite ang mga paaralan kung saan idinadaos ang mga klase na siyang isusumite sa Office of the President.

“Bago sana magdagdag tutal magbabakasyon, tignan muna kung ano ang magiging bunga nito sa pinayagan na magbukas ng face to face classes”.pahayag ng Obispo

Umaasa rin si Bishop Mangalinao na nawa’y ang bawat estudyante na nakikiisa sa pilot face-to-face testing ay pawang mga nakatanggap na ng bakuna laban sa COVID-19.

Apela rin ng Obispo ang paghihintay sa mga kakalabasang bunga ng inisyatibo ng gobyerno upang maging handa sa paglulunsad ng mga kaparehong hakbang. Jocelyn Tabangcura-Domenden