Obispo: “Maid in Malacañang” i-boycott!

Obispo: “Maid in Malacañang” i-boycott!

August 4, 2022 @ 7:40 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang Obispo na i-boycott ang kontrobersyal na pelikulang “Maid in Malacañang.”

Sa isang pahayag, inilarawan ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang pelikula bilang “shameless,” at nanawagan sa mga tao sa likod nito na mag-isyu ng paghingi ng tawad.

“The producer, scriptwriter, director and those promoting this movie should publicly apologize to the Carmelite nuns, to President Cory Aquino’s family and to the Filipino people,” sabi ng prelate ayon sa CBCP News.

Nag-react ang prelate sa trailer ng pelikula na naglalarawan sa yumaong pangulo na naglalaro ng mahjong kasama ang isang grupo ng mga madre.

Humingi ng kanlungan si Aquino magdamag sa monasteryo ng Carmelite sa Cebu noong 1986 Edsa People Power Revolution.

Hinamon ng Obispo ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na nasa ilalim ng Office upang kumilos sa isyu at gamitin ang mandato nito.

“Would the MTRCB act responsibly on this and perform its mandated duty?” pagtatanong pa ni Bishop Alminaza. Jocelyn Tabangcura- Domenden