Obispo pabor sa mandatory military service sa kabataan

Obispo pabor sa mandatory military service sa kabataan

January 25, 2022 @ 9:54 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Pabor ang isang Obispo na magkaroon ng military service para sa mga kabataan.

Naniniwala si Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio na makakatulong ito upang magkaroon ng higit na disiplina sa mga kabataan.

“I think we need that to instill more discipline to our young people,” pahayag ng Obisposa Radio Veritas.

” It’s a good thing also to bring about while they are young”, dagdag pa niya.

Sinabi ni Bishop Florencio na hindi lamang ito dapat maging isang pang-akademikong pangangailangan, kundi isang kailangan para sa isang “matibay at matatag na mabuting pagkatao.”

Iginiit din niya na dapat igalang ang mga karapatan ng mga sasailalim sa serbisyo militar at tiyakin ang kanilang kaligtasan.

Nauna nang iminungkahi ng presidential daughter at vice presidential aspirant na si Sara Duterte na gawing mandatoryo ang serbisyo militar para sa lahat ng Pilipino kapag umabot sa edad na 18. Jocelyn Tabangcura-Domenden