Obispo, pinawalang-sala sa 13 kasong rape sa madre

Obispo, pinawalang-sala sa 13 kasong rape sa madre

January 14, 2022 @ 7:25 PM 1 week ago


INDIA – Pinawalang-sala at pinalaya na rin sa kulungan sa bansang ito ang obispong Katoliko na inakusahan ng isang madre ng maraming beses na panggagahasa.

Nakilala ang akusado na si Franco Mulakkal, 54, na dating obispo sa diocese ng Punjab ngunit inaresto sa Kerala noong 2018.

Hindi naman pinangalanan ang madre ngunit miyembro ng kongregasyong Missionaries of Jesus na sakop ng diocese ni Mulakkal.

Inakusahan ng madre ang obispo ng 13 panggagahasa sa kanilang kombento sa Kerala sa pagitan ng mga taong 2014-2016.

Sinabi ni Kottayam Additional Sessions Judge (ASJ) G Gopakumar na wala ni anoman sa mga 13 panggagahasa ang napatunayan ng prosekusyon.

Sinabi naman ng biktimang madre at ibang mga madre na ipaglalaban nila ang kaso sa mataas na hukuman hangga’t hindi nila makakamit ang hustisya.

Hindi naman matiyak kung ibabalik ng Vatican City ang obispo sa dating nitong pwesto makaraan ang desisyon. RNT