Obispo sa anibersaryo ng Yolanda: ‘Environmental abuse’ wakasan na

Obispo sa anibersaryo ng Yolanda: ‘Environmental abuse’ wakasan na

November 8, 2022 @ 11:57 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang Obispo na wakasan na ang pang-aabuso sa kapaligiran upang maiwasan ang mga mapaminsalang kalamidad.

Ginawa ni Borongan Bishop Crispin Varquez kasabay ng pagdiriwang ng ika-siyam na taong anibersaryo ng Yolanda.

Ayon sa Obispo , maraming kalamidad na kinakaharap ngayon ng mundo na may kaugnayan sa climate change.

“We must hear the poor cry of our planet for common action to save our common home,”saad ni Varquez.

Upang mangyari ito, sinabi ng Obispo na dapat dinggin ng mga tao ang panawagan ni Pope Francis para sa “ecological conversion”.

“We must move away from the sins of environmental abuse and neglect to show that we are truly returning to the Lord and we truly care for one another,” saad pa ng Obispo.

Maaalala na mahigit 6,000 katao ang nasawi dahil sa bagyong Yolanda na may international na Haiyan noong Nov.8,2013 na pangunahing napinsala ang Buhay ay kabuhayan sa ilang bahagi ng Pilipinas gaya ng Leyte at Samar.

Para sa Obispo ito ay  isang kwento ng dalamhati at paghihinagpis para sa mga nawalan ng mahal sa buhay, ng pagtanggap, ng pagpapakumbaba at pagtubos”.

Aniya ang mga banta at hamon ay nananatili- ngunit ayon sa Obispo kung ano ang mayroon tayo ay ang mga aral ng nakaraan, isang bagay na natutunan natin, at sa lahat ng paraan kailangan nating ipagpatuloy ang pag-aaral sa ating sarili, ang ating mga kabataan lalo na’t sila ang magdadala ng kahihinatnan ng ating mga desisyon at aksyon ng ngayon.

“For this commemoration, let us continue with binding hopefulness and solidarity in the face of so many challenges coming our way and be thankful to the Lord that we have risen from the horrible destruction that super typhoon Yolanda had brought,” saad ni Varquez.

Hiniling din nito ang patuloy na panalangin sa mga nasawi sa bagyo at para sa mga survivors upang sila ay makatagpo ng kaginhawaan  at lakas sa Diyos upang muling buuin at magpatuloy  sa kanilang buhay.

“As we face an uncertain future let us continue to pray for deliverance from all calamities, both natural and man-made, and other vagaries of weather,” ayon pa sa Obispo. Jocelyn Tabangcura-Domenden